Mga 9 na common mistakes sa Website
Ang pinaka-karaniwang pagkakamali kapag lumilikha ng isang website
• Paggamit ng home page bilang 'about us' page
Ang iyong home page ay dapat isang gateway sa lahat ng pages sa iyong site. Tulungan ang iyong visitors upang i-click at i-navigate sa mga pages na iyon as soon as possible. Hindi dapat sila mag-stay iyong home page. Ang paggamit ng invitation block ay isang mahusay na paraan upang gawin ito.
• Paggawa ng titles na masyadong pangkaraniwan
Ang title ng bawat page ay dapat malinaw na dine-describe ang content ng bawat page gamit ang mga salitang gagamitin ng iyong mga readers sa mga search engines. Para sa first page, ang mga titles tulad ng 'Home', 'Welcome to', o phone number ay hindi advisable.
. Maagang pag-give-up
Kung minsan ay mahirap na gamitin ang tamang mindset o isulat ang mga tamang salita. Sa kasong ito, magpahinga muna at isipin ang mga taong bumibisita sa iyong site. Paano mo matutulungan silang maunawaan kung ano ang iyong ino-offer? Ang mga ito ay isang mahusay na mapagkukunan ng inspirasyon.
Poor navigation
• Nagpapakita ng more than one topic sa parehong page
Dapat mahulaan ng tama ng sinuman kung ano ang tungkol sa isang page sa pamamagitan lamang ng pagbabasa ng tab, kaya't sulatan ang iyong mga tab nang malinaw at related sa kung ano ang nilalaman ng mga page.
Important rule: 1 question = 1 topic = 1 answer = 1 page. Ang pagbabasa ng pangalan ng tab ay dapat sapat na upang malaman ng readers ang nilalaman ng page nito.
• Ang pagkakaroon ng dead-end pages
Isang magandang paraan upang mas mabuting mapaglingkuran ang readers ay ang pag-invite sa kanila na i-click ang isang page patungo sa iba pa. Ang paglalagay ng mga link sa iyong text o paggamit ng 'invitation' blocks ay makakatulong sa iyong mga readers para mas malaman pa ang iyong site, lalong madaragdagan ang pagkakataon na sila makikipag-ugnay sa iyo.
• Hindi iniisip ang tungkol sa pagkakasunud-sunod ng iyong mga tab
Pumunta sa 'Move Mode' upang ayusin uli ang iyong mga tab. Dito maaari ka ring magdagdag ng mga spacer upang i-regroup ang iyong mga tab visually ayon sa topic o importance. Ang paggawa ng small groups ng mga tab ay makakatulong sa iyong mga readers upang maunawaan kung paano nakaayos ang iyong site.
Search Engine Optimization (SEO)
• Ang paglimot na pag-intindi ng point of view ng iyong readers
Isulat ang lahat ng mga possible questions na tatanungin nila sa Google. Ito ay isang magandang batayan para sa mga titles ng iyong mga pages. Pagkatapos ay ilista ang mga tanong na pwedeng nasa isipan ng iyong mga readers habang sila ay nasa iyong site. Makakatulong ito sa iyo upang maunawaan kung anong mga pages at content ang kailangan mong isulat.
• Iniisip na maaari mong dayain ang Google na magustuhan ang iyong site
In reality, gustong-gusto ng Google kung paano ma-pick up ng algorithm nila kung gaano ito kapaki-pakinabang mula sa iyong site. Huwag subukang magsalita sa Google sa pamamagitan ng paulit-ulit na paggamit ng parehong mga keyword. Kausapin ng natural ang iyong mga readers. Lahat ng ito ay tungkol sa quality ng iyong content at kung paano ito naayos.
• Paggamit ng pictures na my text
Iwasan ang pagkakaroon ng mahalagang text sa mga pictures. Gumamit ng pictures bilang paglalarawan ng text, at dito magkakaroon ka ng mas magandang resulta sa mga search engine. Kung mayroon kang mga pictures na naglalaman ng text, magandang habit na isulat ang information sa text block, sa tabi o sa ilalim ng picture. Nangangahulugan din ito na pwedeng i-copy ng iyong readers at i-paste ang mahahalagang impormasyon.