Paano I-test ang Iyong Site sa Google

Hindi malaking katibayan ang mahanap ang iyong pangalan

Kung pumili ka ng isang pangalan na unique enough, huwag kang magulat kung makikita mo ito sa first page pag sinulat sa search engine.

Pero ang priority natin ay upang matulungan ang Google na ipakita ang iyong site sa mga taong naghahanap ng iyong ino-offer, ngunit hindi pa alam ang iyong pangalan.

Ang 5 na laging tinatanong

Alamin ang top 5 na search expressions na ang iyong mga readers ay maaaring isusulat sa Google upang malaman ang iyong ino-offer.

Isang magandang paraan upang malaman ang mga katanungang ito ay ang pag-interview sa iyong kasalukuyang clients, ito ay dahil ang kanilang paraan para magamit ang Google ay maaaring unexpected.

Pag-test sa iyong site sa Google

Ang mga resulta ng anumang paghahanap ay mababago dahil alam ng Google ang mga site na binisita ng iyong browser. Ang pinakamahusay at pinakamadaling paraan upang subukan ang iyong site sa Google ay ang paggamit ng isang pribado o incognito window sa iyong browser o mag-download ng isang browser na hindi mo pa ginamit dati. Maaari mo ring i-clear ang iyong kasalukuyang browser history, cookies, at cache at pagkatapos ay gawin ang paghahanap.

Pamamaraan

• Mula sa bago o cleared na browser, buksan ang Google at i-type ang limang most common search questions ng iyong mga clients. Gumagana ito sa iba pang mga search engine tulad ng Yandex, Bing, Yahoo, Baidu, atbp.

• I-check kung ang iyong site ay nag-appear sa first two pages. Tandaan ang posisyon ng iyong site para sa bawat request sa date na iyon. Nanaisin mong makita ang progression nito.

• Marami kang matututunan sa pag-aaral ng mga site na naga-appear sa itaas at ibaba mo sa search results. Hindi ito nangangahulugang dapat mong gayahin o kopyahin ang iba pang mga site, dahil walang 'one solution fits all', ngunit dito tiyak na makakakuha ka ng inspirasyon.

• Subukang gumawa ng maliliit na pagbabago upang makita kung ano ang epekto nito. Lahat nito ay tungkol sa iyong titles (site, pages, tabs, at mga blocks), ang quality ng iyong content, pagkakaroon ng mga pages at blocks para sa mga specific topics, at pagkakaroon ng external links na related sa topics.

• Matapos mong gawin ang mga maliliit na pagbabagong ito, hayaan ang iyong ng hindi bababa sa isang linggo para makita kung may effect.

Huwag mawalan ng pag-asa kung nakikita mong maraming search results mula sa Trip Advisor, Booking.com, o similar na sites na lumilitaw sa itaas ng iyong site. Pwede kang magpasya na magtrabaho sa kanila sa future, ngunit sa ngayon, mahalaga na mag-focus sa iyong site.

Tandaan, nasa sa iyo na tulungan ang Google para i-suggest ang iyong site bilang isang resulta sa mga taong naghahanap na gaya ng iyong ino-offer.

Pasimplehin ang SEO gamit ang PageOptimizer Pro (POP)

Ang POP ay isang malakas ngunit madaling gamitin na tool sa SEO na sinusuri ang iyong website at ang kumpetisyon nito sa Google.

Awtomatikong hinahanap ng POP ang pinakamahahalagang salita at parirala para sa bawat paksa, at pagkatapos ay sasabihin sa iyo nang eksakto kung saan ilalagay ang mga ito upang mapabuti ang posisyon ng iyong pahina sa Google.

Maghanap ng POP SEO sa Tab na 'G' sa SimDif