Piliin ang Mga Tamang Keywords
Tumutulong ito na mag-decide para sa mga words at expressions na gagamitin sa iyong site
Maaaring narinig mo na ang mga nakalilitong bagay tungkol sa mga keywords. Malinaw natin ito nang konti.
Mahalagang gumamit ng iba't ibang words at phrases na related sa iyong ginagawa/activity/business. Bukod dito, napakahalagang tiyakin na ang iyong content/sinusulat ay iginagalang para sa quality nito. Ang isa pang mahalagang bahagi nito ay upang gawin ang tamang paggamit ng lexical field ng iyong content. Ang lexical field ay ang paraan ng pag-aayos ng related words at expression sa isang system na nagpapakita ng kanilang relasyon sa isa't isa.
Ilang halimbawa:
• Kung nagbebenta ka ng oil, kailangan mong tiyaking ipinahayag mo kung anong klase ng oil(ito ba ay cooking oil? gas/petrol? essential oils?). Ito ang tinatawag nating lexical field.
• Sa parehong lexical field, isang popular na sine-search sa Google ay 'pinaka-healthy na cooking oil para sa pan-frying'. Maaari mo itong gamitin bilang page o block title pagkatapos ay sumulat ng content na related dito sa ibaba.
Ang language na hahanapin ng mga potential visitors sa Google ay iba sa mga salitang inaasahan nilang matagpuan sa iyong mga page.
Paano malalaman kung aling mga tanong ang hinihiling ng iyong visitors, at kung paano ito gamitin upang gumawa ng kapaki-pakinabang na mga titles
Kung mayroong nag-seach sa iyong brand o company name, makikita ito ng Google sa main title ng iyong site, domain name nito, o sa pagde-describe ng iyong logo. In general, kung ang iyong pangalan ay unique, tataas ang iyong ang site sa search results.
Nais mo ring makuha ang mga taong hindi pa alam ang iyong pangalan o business. Ang mga potensyal na customer ay magse-search para sa kanilang hinahanap at ang iyong trabaho ay tiyakin na ang iyong ginagawa o product ay suggested ng Google. Malamang na isama nila ang lokasyon sa kanilang request at specific detail na kanilang hinahanap. Halimbawa, 'Guest House in Paris pets allowed' o 'Royal Enfield accessories in Barcelona'.
Ibahin ang anyo nito sa welcoming titles para sa bawat page. Assuming na ang nilalaman sa bawat page ay hahanapin. Halimbawa, 'Our guesthouse in Paris is happy to welcome pets' o 'family guesthouse welcoming dogs in Paris' ito ay imga smart titles para sa page na nagpapaliwanag kung paano tinatanggap ang mga pets.
Tandaan: I-check ang mga search query sites tulad ng Google Trends upang i-check at i-analyze ang mga most frequent search terms.
Mag-isip Tulad ng Iyong Mga Customer
Maliban kung mayroon kang matatag na brand, o gumastos ng malaki sa pag-advertise, malamang na hindi ka hahanapin ng mga tao ayon sa pangalan sa Google. Kung may hahanapin ang iyong pangalan, malamang na ipapakita ng Google ang iyong site sa mga resulta, dahil kadalasang makikita ang iyong pangalan sa iyong domain name, pamagat ng iyong site, at iba pang mga lugar.
Paano hahanapin ng isang taong HINDI kilala sa pangalan ang iyong negosyo?
Kung naghahanap sila ng Guesthouse, magsasama sila ng lokasyon, at iba pang mga detalye. Halimbawa, "Pinapayagan ang mga alagang hayop sa guesthouse sa Paris" o "Mga accessory ng Royal Enfield sa Barcelona".
Kaya, ang "Family Guesthouse Welcoming Dogs in Paris" ay isang magandang pamagat ng homepage kung ito ang pinakamahalagang alok ng iyong negosyo.
Anong mga salita ang inaasahan ng iyong mga mambabasa sa iyong site?
In general, hindi nagbabasa ang mga visitors, mabilis lang nilang ini-scan ang iyong site para sa mga salita at sagot na hinahanap nila bago dumating sa iyong pahina.
Nais mong tiyakin na agad nilang mahahanap ang link sa page o block ng text na kanilang hinahanap.
Ang title ng bawat block ay mahalaga upang mahuli ang kanilang attention at mag-motivate sa kanila para basahin ang iyong page. Ang name ng mga tabs, clear links mula sa isang page patungo sa iba, at ang title ng page para alam kung asan sila, ang lahat nito ay mahalaga upang matulungan ang iyong readers.
Halimbawa, sa isang pahina tungkol sa kung paano malugot na tinataggap ang mga pets, ang title ng ilang blocks ay pwedeng 'Dog spa na malapit' o 'Mga park na dog-friendly'. Sa isang page tungkol sa mga prices, maaari kang makahanap ng block na may pamagat na 'Payment methods' o 'Winter promotions'.