Stats para sa Iyong Site
Pag-unawa sa iyong audience
Bilang ng mga visitors sa loob ng Mga Site Settings ay magpapakita ng pag-uugali ng iyong mga visitors.
Mayroong 3 mahahalagang bagay na isaalang-alang upang maunawaan kung paano malaman ang status ng iyong website.
Tatlong Pangunahing Sukatan na Panoorin
1. Mga Bisita: Ilang tao ang pumunta sa iyong site sa nakalipas na 24 na oras, 7 araw, o 5 linggo?
2. Aktibo kumpara sa mga Dumadaan na Bisita: Sino ang nag-browse ng maraming pahina, at sino ang nakakita ng isang pahina at agad na umalis?
3. Mga pahina bawat Bisita: Ilang mga pahina ang binisita ng mga tao sa karaniwan?
Mga visitors
Ang unang number na makikita mo ay kung gaano karaming mga natatanging visitors sa iyong site sa loob ng 24 hours.
Dagdagan ang bilang nito sa pamamagitan ng pag-promote ng iyong activity at ng iyong site. Very advisable na isa-isip ang quality ng iyong content, mag-focus kung paano maipalaam tungkol sa iyong ginagawa at pagbigay ng iyong business card. Gawin ang lahat ng ito bago mo isipin ang tungkol sa pagbabayad ng mga ads.
Sino ang mananatili?
Ang makita kung sino ang tunay na nag-browse sa iyong site at nakakita ng unang pahina at umalis kaagad ay mas importante kesa sa bilang ng pagbibisita. Upang mapabuti ang mga istatistika maaari kang mag-focus sa mga points na ito:
Bakit nila binisita ang iyong site? at ang expectstion na meron sila.
Maaaring narinig nila ang tungkol sa iyong site mula sa iyo o sa isang kaibigan o nag-click sa isang link sa isang blog o ad. Sa bawat kaso, mahalaga na mapanatili mo ang relasyon sa pagitan ng naiintindihan nila bago sila pumunta at kung ano ang nahanap nila sa iyong site.
Ano ang inaasahan nilang makita sa iyong site?
Marahil ay naghahanap sila ng isang specific na bagay at ang iyong site ay hindi nagbibigay ng sapat na impormasyon tungkol sa topic na iyon. Subukang ipaliwanag ang topic na ito upang ang iyong site ay tutugon sa mga tanong ng mga readers.
Na-stuck ba sila sa home page?
Ang iyong home page ay dapat isang gateway para mabilis na mag-imbita ng mga readers na mag-browse pa sa iyong site. Sa halip na ibigay sa kanila ang lahat ng impormasyon, tiyaking naglalaman ng malinaw na mga link ang iyong home page sa main pages.
Pages viewed
Ang bilang na ito ay mag-iiba depende sa kung ano ang featured sa iyong site at kung gaano karaming pages ang mayroon ka. Habang pinagbubuti mo ang iyong site, ang isang sign na maganda ang quality nito ay ang pagtaas sa average na bilang ng mga pahina na tiningnan.
Maaari mong dagdagan ang bilang nito sa pagtiyak na ang bawat page ay naglalaman ng isang invitation para bisitahin ang isa pa. Ipagpalagay na walang mga tab at maaari mo lamang gabayan ang iyong mambabasa na may mga link sa text ng iyong mga pages. Ilugar mo ang sarili mo sa iyong bisita. Kung ang iyong site ay may maraming pages, hulaan kung ano ang mga pinaka-interesting at madaling maunawaan na mga lugar upang pumunta mula sa isang page patungo sa isa pa.